Pagsapit ng Pestibal ng Lugaw Laba: hudyat na paparating na rin ang Pestibal ng Tagsibol

2022-01-10 15:24:01  CMG
Share with:

Pagsapit ng Pestibal ng Lugaw Laba: hudyat na paparating na rin ang Pestibal ng Tagsibol_fororder_20220110Laba1600

Ayon sa Tradisyunal na Kalendaryong Tsino o Nong Li, ngayong araw, Enero 10, 2022 ay Pestibal ng Lugaw Laba.

Noong naunang panahon, ito ay isang kapistahang gumugunita sa pagkakamit ng Nirvana ni Shakyamuni (Buddha).

Sa kasalukuyan, ito ay isang tradisyonal na kapistahan sa Tsina.

Pagsapit ng Pestibal ng Lugaw Laba: hudyat na paparating na rin ang Pestibal ng Tagsibol_fororder_20220110Laba500

Sa gawing hilaga ng bansa, may kasabihang “hindi nananabik sa masasarap na pagkain ang mga bata, pagkatapos ng Pestibal ng Lugaw Laba dahil paparating na ang ang Chun Jie o Pestibal ng Tagsibol o Bagong Taong Tsino.”

Ibig sabihin, ang pagdating ng kapistahang ito ay hudyat na malapit na ring dumating ang pinakamahalagang kapistahan ng Tsina – ang Pestibal ng Tagsibol.

Pagsapit ng Pestibal ng Lugaw Laba: hudyat na paparating na rin ang Pestibal ng Tagsibol_fororder_20220110Laba5600

bawang Laba

Tuwing Pestibal ng Lugaw Laba, abala-abala ang mga mamamayan sa gawing hilaga ng bansa sa pagggawa ng bawang Laba, nudel Laba, at lugaw Laba.

Pagsapit ng Pestibal ng Lugaw Laba: hudyat na paparating na rin ang Pestibal ng Tagsibol_fororder_20220110Laba3600

nudel Laba

Ang mga ito ay mga tradisyonal na pagkain sa nasabing kapistahan.

Pero sa dakong timog ng Tsina, di-masyadong pinahahalagahan ng mga tao ang kapistahang ito.

Pagsapit ng Pestibal ng Lugaw Laba: hudyat na paparating na rin ang Pestibal ng Tagsibol_fororder_20220110Laba4500

Paggawa ng lugaw Laba

Kaya ang Pestibal ng Lugaw Laba ay isang klasikong kapistahan ng kahilaganan ng Tsina.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method