Tsina at Belarus lalo pang palalakasin ang kooperasyon sa harap ng bagong kalagayan

2022-01-11 17:03:38  CMG
Share with:

Ang 2022 ay ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Belarus. Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono nitong Enero 10, 2022, kay Alexander Grigoryevich Lukashenko, Pangulo ng Belarus, binigyan-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na natamo ng maunlad na relasyon ng dalawang bansa ang masaganang bunga nitong nakaraang 30 taon.

Tsina at Belarus lalo pang palalakasin ang kooperasyon sa harap ng bagong kalagayan_fororder_01pangulongxijinping_conew1

Ani Xi, sa ngayon, ang Tsina at Belarus ay naging komprehensibong estratehikong partners na naniniwala sa isa’t isa at mayroong kooperasyon na may mutuwal na kapakinabangan.

 

Sinabi pa ni Xi na, sa harap ng bagong kalagayan, dapat patuloy na mahigpit na magkoordina ang Tsina at Belarus, para isagawa ang aktuwal na multilateralismo, suportahan ang komong kahalagahan ng buong sangkatauhan, pasulungin ang pagsasakatuparan ng Global China Initiative at 2030 Agenda for Sustainable Development ng United Nations.

 

Samantala, ipinahayag ni Pangulong Lukashenko na nakahanda ang Belarus na pataasin ang relasyon ng dalawang bansa sa bagong lebel.

 

Inaasahan ng Belarus na magsisikap, kasama ng Tsina, para paunlarin ang China-Belarus industrial park, palalimin ang kooperasyon ng dalawang panig sa paglaban sa Coronavirus Disease 2019(COVID-19), traditional Chinese medicine, kalakalan, pamumuhunan, edukasyon at iba pang larangan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method