Tsina, handang tumulong sa Tonga sa paglaban sa kalamidad

2022-01-20 14:14:23  CMG
Share with:

Isang mensahe ng pakikiramay ang ipinadala nitong Miyerkules, Enero 19, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Haring Tupou VI ng Tonga kaugnay ng grabeng kapinsalaang dulot ng pagputok ng bulkan sa bansang ito.

Sa ngalan ng pamahalaan, mga mamamayang Tsino, at kanyang sarili, ipinaabot ni Pangulong Xi ang taos-pusong pakikiramay sa pamahalaan at mga mamamayan ng Tonga.

Aniya, hangga’t makakaya, tutulungan ng Tsina ang Tonga upang pagtagumpayan ang kalamidad at rekonstruksyon ng bansa.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method