Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, nitong Enero 19, 2022, 66 ang bilang ng bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.
Sa mga ito, 23 ay galing sa labas, at 43 ay domestikong kaso.
Bukod dito, 3 ang bilang ng bagong pinaghihinalaang kaso at lahat ay galing sa labas ng bansa.
Hanggang maghahati-gabi ng Enero 19, 2022, 3,297 ang bilang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, at 4,636 ang mga pumanaw.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio