Ang Tsina ay siyang tagapangulo ngayong taon ng mga bansang BRICS (Brazil, Russia, India, China, at South Africa).
Kaugnay nito, ipinahayag Enero 19, 2022, ni Ma Zhaoxu, BRICS Sherpa ng Tsina, at Pangalawang Ministrong Panlabas ng bansa, na ang tema ng “Taon ng Tsina” ng BRICS ay “Pagtatatag ng De-kalidad na Partnership, Magkakasamang Paglikha ng Bagong Panahon ng Pag-unlad ng Buong Mundo.”
Sinabi pa niyang, ayon sa plano, idaraos ang mahigit 100 aktibidad na sasaklaw ng mga 30 larangan, at ihaharap ang mga inisiyatiba ng aktuwal na kooperasyon.
Ayon sa ulat, ang pagbabawas ng karalitaan at pagpapabuti ng kaligtasan ng pagkain ay ilan sa mga pokus ng Tsina sa BRICS ngayong taon.
Ilan pa sa mga iminungkahi ng Tsina ay: pagdaraos ng kauna-unahang Siposyum sa Pag-unlad ng Kanayunan at Pagbabawas ng Karalitaan sa mga Bansang BRICS, pagbuo ng working group sa pag-unlad ng kanayunan sa mga bansang BRICS, paglagda sa memorandum hinggil sa kooperasyon ng kaligtasan ng pagkain, at pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad ng agrikultura at kanayunan ng mga bansang BRICS.
Lahat ito ay para isakatuparan ang target ng pagbabawas ng karalitaan at “sero gutom,” dagdag ng ulat.
Bukod diyan, magpopokus ang Tsina sa ibang target ng sustenableng pag-unlad, at isasagawa ang mga magkasanib na proyekto kaugnay ng inobasyon ng siyensiya at teknolohiya.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio