Sa kanyang mensaheng pambati na ipina-abot Enero 26, 2022, kay Pangulong Ram Nath Kovind ng Indiya, bilang pagdiriwang sa Ika-73 Araw ng Republika ng bansa, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na bilang dalawang malaking umuunlad na bansa at bansa ng bagong pamilihan, ang malusog at matatag na relasyon ng Tsina at Indiya ay angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Aniya pa, mayroong din itong mahalagang katuturan para sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyong Asya at buong daigdig.
Nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng Indiya, para pasulungin ang pag-unlad ng relasyong Sino-Indiyano patungo sa tumpak na paraan, saad ni Xi.
Samantala, nagpadala rin ng mensaheng pambati si Premiyer Li Keqiang ng Tsina sa kanyang Indian counterpart na si Narendra Damodardas Modi.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio