Sa bisperas ng Pestibal ng Tagsibol, naglakbay-suri si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa probinsyang Shanxi.
Nitong Miyerkules, Enero 26, magkakasunod siyang pumunta sa nayong Fengnanyuan at Sengnianzhenduan upang kumustahin ang mga taga-roon.
Sinuri rin ni Xi ang kalagayan ng rekonstruksyon ng Shanxi pagkatapos ng kalamidad ng baha noong isang taon, gawain ng paggarantiya sa pamumuhay ng mga mamamayan, pagpapatibay ng bunga ng pagpawi sa karalitaan, at sustenableng pagpapasulong ng pag-ahon ng kanayunan.
Salin: Lito
Pulido: Rhio