Mensahe ng pakikidalamhati, ipinadala ni Wang Yi kay Subrahmanyam Jaishankar

2022-01-31 11:17:37  CMG
Share with:

Isang mensahe ng pakikidalamhati ang ipinadala nitong Linggo, Enero 30, 2022 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Subrahmanyam Jaishankar, Ministrong Panlabas ng India.

“Nalaman kong dinapuan kayo ng corona virus, at ipinaaabot ko sa inyo ang taos-pusong pakikidalamhati at sana’y gumaling kayo sa lalong madaling panahon,” sinukat ni Wang sa kanyang mensahe.

Ani Wang, sapul nang sumiklab ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), nagtutulungan ang Tsina at India para makahulagpos sa mga kasalukuyang kahirapan. Nakahanda aniya si Wang na magsikap kasama ni Subrahmanyam Jaishankar upang maisakatuparan ang mga mahalagang pagkakasundo ng mga lider ng dalawang bansa at mapasulong ang malusog na pag-unlad ng bilateral na relasyong Sino-Indyano.

Ayon sa ulat, sinabi nitong Enero 27 ni Subrahmanyam Jaishankar na nagpositibo siya sa corona virus testing. Hinimok niya ang lahat ng nakipag-ugnayan kamakailan sa kanya na isagawa ang paunang pag-iingat.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method