Bilang kauna-unahang pandaigdigang pestibal na pampalakasang idinaos sa Tsina, matapos maiharap ng bansa ang target sa “Peak Carbon Dioxide Emission at Carbon Neutrality,” ang berdeng pamamaraan ay isa sa mga pinakamalaking katangian ng Beijing 2022 Winter Olympics.
Kaugnay nito, 100% berdeng enerhiya ang ginagamit sa Beijing 2022 Winter Olympics, at ito ang kauna-unahang pagkakataong ginamit ang ganitong uri ng sustenableng lakas sa pagpapatakbo ng mga pinagdarausan sa kasaysayan ng Olimpiyada.
Bukod dito, isinagawa rin ng Tsina ang ibang mga kinauukulang hakbangin para pasulungin ang komprehensibong pagsasakatuparan ng carbon neutrality sa Beijing 2022 Winter Olympic Games.
Salin:Sarah
Puildo:Rhio