Sa finals ng freestyle skiing women's aerials na idinaos kagabi, Pebrero 14, 2022, sa Genting Snow Park sa Zhangjiakou, co-host city ng Beijing 2022 Winter Olympics, natamo ni Xu Mengtao ang medalyang ginto para sa Tsina.
Ang medalyang ito ay hindi lamang pinakaaasam ni Xu, kundi kauna-unahan rin para sa Tsina sa naturang event ng Winter Olympics.
Ang 31 taong gulang na si Xu ay nakakuha ng medalyang pilak sa parehong event sa 2014 Sochi Winter Olympics, at isa pang medalyang pilak sa mixed team event ng Beijing Winter Olympics.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos