Pangulong Xi Jinping ng Tsina hangad ang mabilis na paggaling ni Queen Elizabeth II ng Britanya

2022-02-23 16:13:18  CMG
Share with:

Ipinadala nitong Pebrero 22, 2022, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kay Queen Elizabeth II ng Britanya ang mensahe ng simpatya matapos siyang dapuan ng COVID-19.

 

Ipinahayag din ni Pangulong Xi ang pag-asa na agad na gagaling si Queen Elizabeth II.

 

Sinabi rin ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Britanya. Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Britanya, para gamitin ang pagkakataon ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatikong relasyon sa lebel na ambasadoryal, para pasulungin ang bagong pag-unlad ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa.

Pangulong Xi Jinping ng Tsina hangad ang mabilis na paggaling ni Queen Elizabeth II ng Britanya_fororder_02xi

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method