Pangulo ng IPC: matagumpay na pagdaraos ng Beijing Winter Olympics, nagdulot ng mas maraming kompiyansa para sa Beijing Winter Paralympic Games

2022-02-24 16:40:56  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, pinapurihan ni Andrew Parsons, Pangulo ng International Paralympic Committee (IPC), ang matagumpay na pagdaraos ng Beijing 2022 Winter Olympic Games.

Pangulo ng IPC: matagumpay na pagdaraos ng Beijing Winter Olympics, nagdulot ng mas maraming kompiyansa para sa Beijing Winter Paralympic Games_fororder_02ipc

Ipinahayag din niya ang pag-asang magkakaroon ng katulad na tagumapay ang Beijing 2022 Winter Paralympic Games.

 

Aniya, kahanga-hanga ang Beijing Winter Olympics, at matagumpay ang mga hakbangin ng pagpigil at pagkontrol sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), na nagdulot ng kompiyansa sa kanya sa darating na paralympiyada.

 

Lubos ding pinahahalagahan ni Parsons ang bungang natamo ng Tsina sa pagpapasulong ng palakasan ng mga may kapansanan, partikular, sa usapin ng palakasan sa taglamig.

 

Masayang-masaya aniya siyang nakikita na inilagay ng Tsina ang Winter Olympic at Paralympic Games sa pangmalayuang plano ng pag-unlad ng bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method