Thailand — Pagkatapos ng pag-uusap kamakailan nina Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand at dumadalaw na Punong Ministro Ismail Sabri Yaakob ng Malaysia, kapuwa nila ipinatalastas ang pagtatatag ng mas mahigpit na partnership na kinabibilangan ng pagbubukas ng puwertong panghanggahan at pagpapasulong ng pag-uugnayang pangkabuhayan at pangkalakalan, upang maisakatuparan ang target na mahigit 30 bilyong dolyares na halaga ng bilateral na kalakalan bago ang taong 2025.
Bukod pa riyan, narating din ng dalawang bansa ang maraming pagkakasundo na gaya ng magkasamang pagsisikap para maisakatuparan ang pangmalayuang katatagan ng purok-hanggahan,at pagpawi sa epektong dala ng ekstrimismo at separatismo na umiiral sa mahabang panahon.
Ipinahayag ni Ismail Sabri Yaakob na susuportahan ng kanyang bansa ang Thailand sa pagsasakatuparan ng pangmalayuang kaligtasan sa dakong timog sa mapayapang paraan at pagtatatag ng mekanismong pangkooperasyon na magbibigay-dagok sa transnasyonal na krimen.
Salin: Lito
Pulido: Rhio