FM ng Tsina at Ukraine, nag-usap sa telepono

2022-03-02 18:11:06  CMG
Share with:

Nag-usap sa telepono nitong Marso 1, 2022, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at kanyang counterpart na si Dmytro Kuleba ng Ukraine.

FM ng Tsina at Ukraine, nag-usap sa telepono_fororder_01wangyi

Ipinahayag ni Kuleba na bukas ang kanyang bansa sa talasasan hinggil sa paglulutas ng isyu ng Ukraine.

 

Aniya, konstruktibo ang papel ng Tsina sa isyu ng Ukraine at nakahanda ang Ukraine na palakasin ang pakikipagkoordinasyon sa Tsina, at inaasahang isasagawa ng Tsina ang mediyasyon para sa tigil-putukan.

 

Samantala, ipinahayag ni Wang na bukas, hayagan at tuluy-tuloy ang pundamental na paninindigan ng Tsina sa isyu ng Ukraine. Naninindigan ang Tsina na dapat igalang ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng iba’t ibang bansa. Nanawagan ang Tsina na dapat lutasin ang kasalukuyang krisis sa pamamagitan ng talastasan, at suportahan ang lahat ng konstruktibong pagsisikap ng komunidad ng daigdig na makakabuti sa pulitikal na kalutasan.

 

Bukod dito, hinimok din ni Wang ang Ukraine na isabalikat ang obligasyong pandaigdig, at umaasang isasagawa ng Ukraine ang lahat ng kinakailangang hakbangin para igarantiya ang kaligtasan ng mga mamamayang Tsino sa Ukraine, at ipagkaloob ang paggarantiya at kaginhawaan para sa pag-uwi ng mga mamamayang Tsino mula sa Ukraine.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Kuleba na ang paggarantiya ng kaligtasan ng mga mamamayang dayuhan ay napakahalagang obligasyon ng Ukraine. Lubos na pinahahalagahan ng Ukraine ang pagkabahala ng Tsina, at patuloy na titiyakin ang maayos na repatriyasyon ng mga mamamayang dayuhan mula sa Ukraine.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method