Si Wahini Tatiana Agarano ay isang Pilipina na nagtatrabaho bilang domestic helper sa Hong Kong sa pamiliya nina Ginoo at Ginang Hsu. Nitong nakaraang dalawang linggo, nakaramdam si Wahini ng sintomas ng Covid-19. Natakot siya at hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Sinabihan siya ng kanyang employer na si Ginang Hsu na huwag mag-alala, at siya ay hindi pababayaan.
Sabi ni Ginang Hsu, umalis si Wahini ng kanyang tatay at nanay, pumunta dito sa Hong Kong at nagtrabaho sa aking bahay. Ipinakita niya ang pagmamalasakit at kabaitan sa aking pamilya. May sakit siya ngayon, dapat kaming maging responsable sa kanya at alagaan siya.
Araw-araw, ihinahatid ni Xu ang mga pagkain sa pinto ng silid ni Wahini. at Kung gustong mag-CR ni Wahini, o lumabas ng kaniyang silid, nagte-teks siya kay Ginang Hsu. Tapos sasabihan ni Hsu ang kanyang asawa at dalawang anak na manatili sa kanilang sariling silid, tapos, nililinis at dini-disinfect ni Hsu ang banyo.
Pagkatapos mag-positibo ni Wahini, hindi lumabas ng bahay ang buong pamilya nina Ginoong at Ginang Hsu kasi close-contact sila at dapat din silang mag-quarantine. At kung kailangan nila ang anumang bagay, bumibili sila online o humihingi ng tulong mula sa kaibigan.
Ngayon, si Ginoo at Ginang Hsu ang bahala sa lahat ng gawaing bahay, pag-aalaga ng mga bata at kay Wahini.
At sa pag-aalaga nina Ginoo at Ginang Xu, gumaling at naging negative na si Wahini.
Video Courtesy: CCTV Hong Kong
Video Editor: Sissi