Wang Yi: Pagkakaisa at pagtutulungan, kailangang-kailangan sa taong 2022

2022-03-07 16:42:56  CMG
Share with:

Ipinahayag ngayong araw, Marso 7, 2022, ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na bilang responsableng malaking bansa, patuloy na itataguyod ng Tsina ang multilateralismo, at palalakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan kasama ng mga bansang mapagmahal sa kapayapaan.

 

Ito aniya ay tungo sa magkakasamang pagharap sa mga hamong dulot ng masalimuot at pabagu-bagong kalagayang pandaigdig.

 

Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng matagumpay na pagdaraos ng Beijing Winter Olympics, nagbubuklod ang karamihan sa mga bansa at mamamayan sa ilalim ng diwa ng Olimpiyada.

 

Nagdulot din aniya ito ng pag-asa at kompiyansa sa daigdig na apektado ng pandemiya, at nakapagpahupa sa mga elementong kawalang-katatagan.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan

Please select the login method