1,807, bagong domestikong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland

2022-03-13 14:46:58  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina nitong Marso 12, 2022, 1,938 ang bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.

Sa mga ito, 131 ang galing sa labas ng bansa, at 1,807 ang domestiko.

Batay pa sa datos, 7,230 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland.

Samantala, 4,636 ang mga pumanaw.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method