Ipinahayag Marso 13, 2022 ni Yan Jiarong, Tagapagsalita ng Beijing Organising Committee for the 2022 Olympic and Paralympic Winter Games, na aktibong naghahanda ang iba't-ibang venue ng nasabing Olimpiyada at Paralimpiyada para sa kanilang pagbubukas sa publiko sa lalong madaling panahon.
Ayon sa plano, posibleng buksan sa publiko ang ilan sa mga ito bago Mayo 1, 2022, International Worker's Day.
Sinabi ni Yan na ang naturang hakbang ay mahalagang bahagi ng sustenabelng pag-unlad ng Beijing 2022 Winter Olympics at Paralympics.
Bilang mga venue na naka-abot sa pinakamataas na pamantayan sa buong daigdig, itinatag ang mainam na mekanismo ng koordinasyon sa pagitan ng mga ito at iba't-ibang pandaigdigang organisasyon ng palakasan, bagay na nakikitang magpapasulong sa pagpapatakbo ng mga venue pagkatapos ng Olimpiyada, at magpapa-unlad ng isport ng niyebe at yelo sa Tsina.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio