Mga kaibigang Pinoy, nakakita na ba kayo ng White Strawberries?
Ang greenhouse na nakikita ninyo ay para sa strawberries. Kahit tag-sibol na sa Beijing, medyo malamig pa kung gabi, at kasunod ng umiinit na panahon, aalisin ng mga magsasaka ang plastic ceiling at direktang ilalantad ang mga strawberry sa sinag ng araw.
Ito po ang white strawberry plants. Walang malaking pagkakaiba ang white strawberry sa red strawberry kapag bubot pa sila, puting bulaklak at berdeng prutas, pero, hindi magiging pula ang white strawberry kahit fully ripe o hinog na.
Pero, dahil sobrang maselan ang white strawberry sa temperatura at lupa, maliit lang ang produksyon at napakamahal ng mga ito. Sa Japan, ang isang white strawberry ay nagkakahalaga ng halos 9 US Dollars. At dito sa Tsina, ay mga 9 US dollars ang kalahating kilo. Mahal pa rin di ba?
Actually, pareho ang lasa ng puting strawberry at pulang strawberry, kaya, para sa mga strawberry lovers, napakasulit ng pulang strawberry, matamis, juicy at mura.
Iyong ate na nakikita ninyo, na nakasuot ng pulang sweater at abalang-abalang namimitas ng strawberries ay hindi taga-Beijing, mga 10 taon na ang nakakaraan, nag-desisyon ang kanyang anak na magtrabaho sa Beijing. Nang magtapos sa unibersidad, umalis ang anak ng kanilang bayan sa Southeast China at pumunta sa Beijing, kasama ang kanyang mga magulang. Umupa ang mag-asawa ng dalawang lupain at nagsimulang magtanim ng strawberry.
Bawat araw, ibinibenta ang strawberry ng asawa sa palengke, at si ate naman ang bahala sa pag-aalaga ng taniman ng strawberry at tumanggap ng mga taong gustong mamitas ng prutas sa kanilang taniman. Ayon sa kanya, kahit nakakapagod, kumikita sila ng mga 30,000 USD bawat taon at sa tulong nila, makakabili na ang kanilang anak ng bagong bahay sa Beijing.
Sana na inspire kayo sa kwento ng pagsisigasig ng pamilyang ito. May bunga ang pagsusumikap.
Video Editor: Sissi
Pulido: Mac