Lamig at init sa landas ng migrasyon

2022-03-23 16:46:24  CMG
Share with:

Sa kasalukuyan, nagsimula na sa kabuuan ang paglilipat ng mga alagang hayop sa iba’t-ibang lugar ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Uighur ng Xinjiang ngayong Tagsibol.

Mahigit 7 milyong alagang hayop ang inililipat tungo sa mas mainit at may mas maraming damong pastulan.

Dahil sa mababang temperatura sa daan, hindi lamang mga pastol ang giniginaw, kundi ang mga hayop din.

Ngunit, dahil sa mga pagkain at damit na ibinibigay ng mga kaukulang departamentong lokal, napapa-init ang pakiramdam at puso ng mga pastol.

Ang migrasyong ito ay tatagal hanggang unang dako ng susunod na Abril.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method