“Maagang Babala at Maagang Aksyon,” tema ng 2022 World Meteorological Day: Kooperasyong Sino-ASEAN, isinusulong

2022-03-23 15:39:09  CMG
Share with:

“Maagang Babala at Maagang Aksyon,” tema ng 2022 World Meteorological Day: Kooperasyong Sino-ASEAN, isinusulong_fororder_20220323WMD8640

Alinsunod sa atas ng World Meteorological Organization (WMO), ipinagdiriwang tuwing Marso 23 kada taon, ang World Meteorological Day (WMD).
 

May iba’t-ibang tema ang bawat WMD na humihiling sa mga kasapi ng WMO na idaos ang aktibidad at malawakang palaganapin ang mahalagang papel ng gawaing meteorolohikal.
 

Layon nitong bigyang-kaalaman sa usaping meteorolohikal ang mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa, hikayatin ang pagpapahalaga at pagmamahal ng mga tao sa usaping ito, at pasulungin ang paggamit ng meteorolohiya sa mga aspektong gaya ng abiyasyon, nabigasyon, proyektong patubig, at agrilultura.

“Maagang Babala at Maagang Aksyon,” tema ng 2022 World Meteorological Day: Kooperasyong Sino-ASEAN, isinusulong_fororder_20220323WMD2640

Sa ilalim ng temang “Maagang Babala at Maagang Aksyon,” ipinagdiriwang ngayong araw, Marso 23, 2022 ang ika-62 WMD.

“Maagang Babala at Maagang Aksyon,” tema ng 2022 World Meteorological Day: Kooperasyong Sino-ASEAN, isinusulong_fororder_20220323WMD5640

Nitong mga taong nakalipas, dahil sa global warming, madalas nagaganap ang mga insidente ng kasukdulang klima na tulad ng napakalakas na ulan, baha, tagtuyot, malalakas na bagyo, sobrang init, sobrang lamig, at bagyo ng buhangin.

“Maagang Babala at Maagang Aksyon,” tema ng 2022 World Meteorological Day: Kooperasyong Sino-ASEAN, isinusulong_fororder_20220323WMD7640

Maraming bansa ang lubhang apektado ng mga kapahakamang meteorolohikal na kadalasang may malawak na epekto, at malimit ding maganap.

“Maagang Babala at Maagang Aksyon,” tema ng 2022 World Meteorological Day: Kooperasyong Sino-ASEAN, isinusulong_fororder_20220323WMD6640

China Meteorological Administration (CMA) 

Ang China Meteorological Administration (CMA) ay isa sa mga organong pinakamaagang nakapagtatag ng mekanismo ng maagang babala sa mga kalamidad sa buong daigdig.
 

Misyon nitong pangalagaan ang produksyon at pamumuhay ng mga mamamayang Tsino mula sa mga kasukdulang insidenteng may kaugnayan sa lagay ng panahon, klima, at tubig.
 

Bukod pa riyan, sa ilalim ng “Belt and Road” Initiative (BRI) at balangkas ng “Letter of Intent ng CMA at WMO Tungkol sa Pagpapasulong ng Rehiyonal na Kooperasyong Meteorolohikal at Magkakasamang Konstruksyon ng ‘Belt and Road’,” walang-patid na isinusulong ng mga departamentong meteorolohikal ng Tsina ang pakikipagkooperasyon sa mga bansang ASEAN na kinabibilangan ng Pilipinas.
 

Ito ay nagbigay ng malinaw na bunga sa mga aspektong gaya ng pagpigil at pagbabawas ng kalamidad, at pag-unlad ng meteorohikal na siyensiya’t teknolohiya.
 

Noong isang taon, nagkaroon ng pagpapalitan sa mataas na lebel ang CMA at WMO tungkol sa magkakasamang pagpapasulong ng BRI at pag-unlad ng rehiyonal na kooperasyong meteorolohikal.

“Maagang Babala at Maagang Aksyon,” tema ng 2022 World Meteorological Day: Kooperasyong Sino-ASEAN, isinusulong_fororder_20220323WMD9640

Ayon dito, umabot na sa 121 ang bilang ng mga internasyonal na tagatangkilik ng Fengyun Meteorological Satellite na yari ng Tsina.
 

Sa kahilingan ng mga kaukulang bansa, ipinagkaloob ng nasabing satellite ang 24 na beses na pandaigdigang pangkagipitang serbisyong garantiya.

“Maagang Babala at Maagang Aksyon,” tema ng 2022 World Meteorological Day: Kooperasyong Sino-ASEAN, isinusulong_fororder_20220323WMD1640

Noong Setyembre 2016, idinaos sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Tsina ang unang Porum ng Kooperasyong Meteorolohikal ng Tsina at ASEAN na dinaluhan ng mga kinatawan at opisyal mula sa Pilipinas, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand at iba pang mga bansang ASEAN, at mga kinatawan mula sa WMO, UN Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (UNESCAP), at Typhoon Committee (TC).
 

Buong pagkakaisang pinagtibay rito ng mga kinatawang Tsino at ASEAN ang “Mungkahi ng Nanning sa Kooperasyong Sino-ASEAN sa Meteorolohiya,” bagay na nakapagpabuti ng mekanismong pangkooperasyon ng kapuwa panig sa nasabing larangan.
 

Sa kasalukuyan, walang-patid na isinusulong ang iba’t-ibang aksyon ng Mungkahi ng Nanning, lumalalim ang rehiyonal na pagpapalitan ng siyensiya’t teknolohiyang meteorolohikal, mas dumadalas ang pagdadalawan ng mga tauhan, at mas lumilinaw ang mga natatamong bunga.


Salin: Lito
Pulido: Rhio
Photo Courtesy: VCG

Please select the login method