Ika-20 Doha Forum, binuksan

2022-03-27 13:59:44  CMG
Share with:

Doha, kabisera ng Qatar — Sa ilalim ng temang “Salubungin ang Bagong Siglo sa Pamamagitan ng Transpormasyon,” binuksan Sabado, Marso 26 (local time), 2022 ang 2 araw na Ika-20 Doha Forum.

Dumalo sa seremonya ng pagbubukas ang mga opisyal mula sa Qatar, Turkey, Saudi Arabia, at iba pang bansa.

Idaraos sa panahon ng nasabing porum ang mahigit 10 sub-porum at talakayan na magpopokus sa 4 na larangang kinabibilangan ng geopolitical alliance at relasyong pandaigdig, sistemang pinansyal at kaunlarang pangkabuhayan, pambansang depensa, network at kaligtasan ng pagkain, at pagbabago ng klima at sustenableng pag-unlad.

Pag-uusapan din dito ng mahigit 100 personahe mula sa sirkulong pulitikal, komersyal, at akademiko ng buong mundo kung paano hahanapin ang kalutasan sa mga pandaigdigang hamong gaya ng pagbabago ng klima, pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), karapatan at kapakanan ng mga kababaihan, at refugees crisis.

Nakatakdang idaos ang Ika-20 Doha Forum noong taong 2020, ngunit ipinagliban ang pagdaraos nito sa kasalukuyang taon dahil sa pandemiya ng COVID-19.


Salin: Lito
Pulido: Rhio 

Please select the login method