Bagong Pangulo ng Pilipinas, kakailanganin ang dynamic at nimble diplomacy; low politics makakatulong sa pagpapabuti ng ugnayan sa Tsina

2022-03-31 16:34:08  CRI
Share with:

Kasagsagan na ng kampanya sa Pilipinas. Ang mga tumatakbong pulitiko ay walang pagod na naghahain ng kani-kanilang mga plataporma. Sinusuyo nila ang mga botante, inilalahad ang mga pangako at mabulaklak na mga salita.

 

Sa online discussion na itinaguyod ng Philippine Association for Chinese Studies (PACS) nitong Marso 26, 2022  tinalakay ang usapin ng patakaran ng ugnayang panlabas o foreign policy at bakit ito mahalaga sa bagong mahahalal ng pangulo ng Pilipinas. Partikular na atensyon ang ibinigay sa relasyon ng Pilipinas at Tsina.

 

Pinamagatang“Evolving Perspectives on China and the Chinese,” ibinahagi ng tatlong political analysts ang kani-kanilang pananaw sa direksyon ng ugnayang Pilipino-Sino sa ilalim ng bagong administrasyon at sa harap ng  nagbabagong kalagayan ng mundo.

 

Bagong Pangulo ng Pilipinas, kakailanganin ang dynamic at nimble diplomacy; low politics makakatulong sa pagpapabuti ng ugnayan sa Tsina_fororder_微信图片_20220331173008

 

Bagamat, hindi pangunahing usapin ang foreign policy sa isipan ng mga botante, naniniwala ang mga eksperto, na ito ay may mahalagang papel sa kinabukasan ng kaunlaran ng Pilipinas at maging sa katatagan ng seguridad ng bansa.

 

Ani  Dr. Clarita Carlos, Ph.D.,  Puno ng  Asia Pacific Institute of  Climate Change Mitigation and Adaptation Foundation at  Political Science  Professor sa UP Diliman (UPD) na sa kasamaang palad walang “grand design” ang pamahalaang Pilipino at pinaiiral nito ang “strategic ambiguity” pagdating sa usapin ng diplomasya, tanggulang pambansa at seguridad. Dahil dito lugi ang Pilipinas at di nakukuha ang maraming mga bentahe para sa bansa pagdating sa pakikitungo sa Tsina.

 

Bagong Pangulo ng Pilipinas, kakailanganin ang dynamic at nimble diplomacy; low politics makakatulong sa pagpapabuti ng ugnayan sa Tsina_fororder_微信图片_202203311729563

Si Dr. Clarita Carlos, Ph.D

 

Para kay Prof. Herman Kraft, Chairman ng Political Science Department ng UPD, na kinakailangang marunong magbalanse ang susunod na pangulo sa pagitan ng relasyon nito sa Amerika at sa Tsina.  Ang“nimble diplomacy”ay importante para mabawasan ang masamang epekto na dulot ng mga kaganapan sa mundo ngayon na kinakikitaan ng  tungalian ng malalakas na mga bansa.

 

Bagong Pangulo ng Pilipinas, kakailanganin ang dynamic at nimble diplomacy; low politics makakatulong sa pagpapabuti ng ugnayan sa Tsina_fororder_微信图片_202203311729561

 Si Prof. Herman Kraft

 

Ayon naman kay Eric Baculinao, Filipino Political Analyst na naka-base sa Beijing maaaring subukan ng Pilipinas ang dynamic maneuvering tulad ng popular na kasabihang“Sabay na sakyan ang dalawang kabayo.” Maaaring hanapin ang mga aspekto ng relasyon na pwedeng isulong ang kooperasyon at ‘wag pumagitna sa anumang alitan ng malalaking bansa. Ibinigay niyang magandang halimbawa ang Singapore at Malaysia na pinakikinabangan ng husto ang pagiging partners ng kapwa Amerika at Tsina.  Ituon dapat aniya ng pamahalaang Pilipino ang pansin sa pagpapaunlad ng ekonomiya, pag-ahon sa karalitaan at pag-angat sa mga mamamayan. At umiwas ang Pilipinas na maging pain sa digmaan.

 

Bagong Pangulo ng Pilipinas, kakailanganin ang dynamic at nimble diplomacy; low politics makakatulong sa pagpapabuti ng ugnayan sa Tsina_fororder_微信图片_202203311729562

Si Eric Baculinao

 

Pananaw din ni Dr. Carlos makakabuti ang  pagsusulong ng“low politics,” Halimbawa nito ay  kooperasyon sa karagatan at maging sa air space o kalangitan.  Sinusugan naman ito ni Dr. Kraft, at sinabing ang pagkakaroon ng mapagkaibigang ugnayan sa kalakalan at people to people exchanges  ay maaaring magbigay daan sa mahinahong pagtalakay sa mga hidwaan.

 

Bilang pagdiriwang sa ika-35 anibersaryo ng pagkakatatag ng PACS, isinagawa nito  sa buong buwan ng Marso ang serye ng mga online conferences, seminars at forum kada Sabado. Ang PACS ay isang propesyunal na grupo na naglalayong isulong ang mutwal na pagkakaunawaan at kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina. Sinusuportahan  nito ang mga akademikong pag-aaral at pananaliksik ng mga Pilipino tungkol sa Tsina at mga Tsino.  Si Jaime Florcruz ang moderator sa forum na dinaluhan ng mga personaheng akademiko, kinatawan ng  think tank at media.

 

Bagong Pangulo ng Pilipinas, kakailanganin ang dynamic at nimble diplomacy; low politics makakatulong sa pagpapabuti ng ugnayan sa Tsina_fororder_微信图片_20220331172956

 

Ulat: Machelle Ramos 

Pulido: Jade/Mac

Patnugot sa website: Jade

Larawan: Mac