Ngayong araw sa kasaysayan: Abril 1, ipinasiya ng Tsina na itatag ang Xiong’an New Area sa probinsyang Hebei

2022-04-01 13:31:51  CMG
Share with:

Ang Xiong'an New Area ay isang bagong purok sa antas ng estado sa ilalim ng pangangasiwa ng probinsyang Hebei ng Tsina.

Ngayong araw sa kasaysayan: Abril 1, ipinasiya ng Tsina na itatag ang Xiong’an New Area sa probinsyang Hebei_fororder_20220401xiongan9640

Ang Xiong'an New Area

Ito'y matatagpuan sa dakong gitna ng probinsyang Hebei na sumasaklaw sa bayang Xiong, bayang Rongcheng, bayang Anxin, at ilang purok sa paligid.

Sa kanyang paglalakbay-suri sa bayang Anxin noong Pebrero 23, 2017, pinangunahan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang talakayan tungkol sa pagpaplano sa konstruksyon ng Xiong'an New Area.

Noong unang araw ng Abril 2017, ipinalabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Konseho ng Estado ng bansa ang kapasyahang nagtatatag sa Xiong'an New Area.

Ngayong araw, Abril 1, 2022, ay ika-5 anibersaryo ng pagsisimula ng pagtatatag ng nasabing purok.

Nitong 5 taong nakalipas, pumasok ang Xiong'an New Area sa yugto ng malawakang konstruksyon, at ngayo'y lumilitaw ang isang dakilang lunsod.

Susunod, silipin natin ang mga litratong nagpapahiwatig ng bagong anyo ng Xiong’an New Area sa 3 aspekto.

Una, itayo ang isang “Sample City”

Ngayong araw sa kasaysayan: Abril 1, ipinasiya ng Tsina na itatag ang Xiong’an New Area sa probinsyang Hebei_fororder_20220401xiongan3640

Idinaos noong Pebrero 8, 2022 sa Xiong'an New Area ang seremonya ng kolektibong pagsisimula ng 43 proyekto sa unang kuwarter ng 2022 na may kabuuang laang-gugulin na 60.1 bilyong yuan RMB.

Ang naturang 43 proyekto ay may kaugnayan sa functional dispersal, malalaking industriya, pampublikong serbisyo, imprastruktura, at konstruksyong ekolohikal.

Nitong 5 taong nakalipas, abala-abalang nagpupunyagi ang mga tagapagtayo para maisakatuparan ang hangaring maging isang “Sample City” ang nasabing bagong purok.

Ikalawa, itayo ang isang “Ecological City”

Ngayong araw sa kasaysayan: Abril 1, ipinasiya ng Tsina na itatag ang Xiong’an New Area sa probinsyang Hebei_fororder_20220401xiongan4640

Magandang tanawin ng parke sa Xiong'an

Ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat maging isang bagong ideya ng konstruksyon ng Xiong'an New Area ang pagtatanim muna ng mga puno, at matapos ay ang lunsod.

Aniya, ang mabuting kapaligirang ekolohikal ay mahalagang nagpapakita ng halaga ng Xiong'an New Area.

Nitong 5 taong nakalipas, nagiging mas asul ang langit, mas malinaw ang tubig, at mas marami ang puno sa Xiong'an New Area.

Lumalaki ngayon ang “ecological city”

Ngayong araw sa kasaysayan: Abril 1, ipinasiya ng Tsina na itatag ang Xiong’an New Area sa probinsyang Hebei_fororder_20220401xiongan7640

Ngayong araw sa kasaysayan: Abril 1, ipinasiya ng Tsina na itatag ang Xiong’an New Area sa probinsyang Hebei_fororder_20220401xiongan8640

Proyekto ng “Kagubatan sa Xiong'an”

Pinasimulan noong Nobyembre ng 2017 ang proyektong “Kagubatan ng Xiong'an.”

Hanggang sa kasalukuyan, itinayo na ng Xiong'an New Area ang mahigit 30 libong ektaryang kagubatan, at itinanim ang mahigit 23 milyong iba’t-ibang uri ng puno. Tumaas sa 32% ang percentage of forest cover mula 11% noong 2017.

Ngayong araw sa kasaysayan: Abril 1, ipinasiya ng Tsina na itatag ang Xiong’an New Area sa probinsyang Hebei_fororder_20220401xiongan1640

Ngayong araw sa kasaysayan: Abril 1, ipinasiya ng Tsina na itatag ang Xiong’an New Area sa probinsyang Hebei_fororder_20220401xiongan2640

Ang tanawin ng Baiyang Lake sa Xiong'an New Area sa probinsyang Hebei

Bukod pa riyan, bunga ng pagsasagawa ng “Regulasyon ng Pagsasaayos at Pangangalaga sa Kapaligirang Ekolohikal sa Baiyang Lake,” walang patid na bumubuti ang kalidad ng tubig sa ilog na ito.

Ikatlo, pamunuan ang “Future City”

Binuksan noong Setyembre 6, 2021 sa lunsod Shijiazhang ang 2021 China International Digital Economic Expo (CIDEE).

Sa panahon ng ekspong ito, magkahiwalay na idinaos ang Porum ng Pag-unlad ng Konstruksyon ng Matalinong Xiong'an at aktibidad ng Digital na Gabi ng Xiong'an.

Ngayong araw sa kasaysayan: Abril 1, ipinasiya ng Tsina na itatag ang Xiong’an New Area sa probinsyang Hebei_fororder_20220401xiongan5640

Bilang resulta, maraming kasunduan ang nalagdaan.

Ngayong araw sa kasaysayan: Abril 1, ipinasiya ng Tsina na itatag ang Xiong’an New Area sa probinsyang Hebei_fororder_20220401xiongan6640

Mga intelligent patrol car habang nagpapatrolya sa purok na pinagdausan ng Porum ng Pag-unlad ng Konstruksyon ng Matalinong Xiong’an at Digital na Gabi ng Xiong’an.

Sa bagong siglo, gagawing starting point ang mga natamong bunga nitong 5 taong nakalipas, at sa pamamagitan nito, tiyak na malilikha ng Xiong’an New Area ang mas malaki at magandang bagong kabanata sa hinaharap.

Salin: Lito
Pulido: Rhio
Photo Courtesy: VCG

Please select the login method