Libu-libong tauhang medikal, sumusugod sa Shanghai para tulungan ang paglaban sa COVID-19

2022-04-04 17:04:22  CMG
Share with:

Halos 10 libong tauhang medikal mula sa iba't ibang lugar ng Tsina ang sumusugod ngayon sa Shanghai, lunsod sa silangang bahagi ng bansa, para tulungan ang lunsod na ito sa paglaban sa bagong outbreak ng COVID-19.

 

Ayon pa rin sa Munisipal na Komisyong Pangkalusugan ng Shanghai, dumating na ng lunsod ang mga tauhang medikal mula sa ilang malapit na lalawigang gaya ng Zhejiang, Jiangsu, at Anhui.

 

Idineploy ang marami sa kanila sa mga makeshift hospital sa Shanghai, para alagaan ang mga malumanay at asimtomatikong nahawahan.

 

Naitala kahapon sa Shanghai ang 425 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19, at 8,581 bagong asimtomatikong kaso.

 

Samantala, sa kanyang inspeksyon sa Shanghai, hiniling kahapon ni Pangalawang Premyer Sun Chunlan ng Tsina, na isagawa ang mga mabilis at determinadong hakbangin, para pigilin ang pagkalat ng COVID-19 sa Shanghai sa pinakamaikling panahon.

 

Binigyang-diin niyang dapat igiit ang paraang dynamic zero-COVID at pakilusin ang testing capacity, mga tauhang medikal, at materyal na medikal, para suportahan ang Shanghai sa paglaban sa epidemiya.

 

Hiniling din niyang, isagawa ang mahigpit na closed-loop management sa mga pangunahing industriya at institusyon, para tiyakin ang normal na operasyon ng mga nukleong punsyon ng lunsod, at katatagan ng supply at industrial chains.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method