Sa kanyang mensaheng pambagong taon, binigyan-diin ni Pangulong Xi Jinping, na ang kasalukuyang Tsina ay Tsinang may mahigpit na kaugnayan sa daigdig.
Naniniwala rin siyang magiging mas mabuti ang kinabukasan ng Tsina, at magiging matiwasay’t masuwerte ang daigdig.
Ani Xi, ito ang pambagong taong pagbati at regalo ng Tsina sa mundo.
Kaugnay nito, sinabi ng mga tagapag-analisa, na hatid ng talumpating pambagong taon ni Xi ang bitalidad para sa daigdig.
Noong 2022, matagumpay na idinaos ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, at ayon sa mga internasyonal na media, ito ang “pinakamahalagang kaganapan sa bansa noong 2022.”
Noong 2022, napanatili ng Tsina ang katayuan bilang ikalawang pinakamalaking ekonomiya ng daigdig, at tinatayang lalampas ng 120 trilyong yuan RMB ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa nasabing taon.
Ang Tsina ay nananatiling puwersang tagapagpasulong ng paglaki ng kabuhayan ng daigdig.
Noong 2022, iginiit ng Tsina ang pagpapauna sa buhay at kapakanan ng mga mamamayan, isinagawa ang siyentipikong hakbangin sa paglaban at pagkotrol at isinaayos ang mga hakbangin laban ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ayon sa aktuwal na kalagayan, at natamo ang bunga sa kapuwa pag-unlad ng kabuhayan at pagkontrol sa COVID-19.
Ang pagbangon ng kabuhayang Tsino ay nagdudulot ng mas maraming pagkakataon sa buong daigdig.
Samantala, ang 2023 ay taon ng pagsisimula ng pagsasakatuparan ng diwa ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, at ito rin ay simula ng komprehensibong pagtatatag ng sosyalismong modernong bansa.
Umaasa ang komunidad ng daigdig na sa panahon matapos ang pandemiya, ihahatid ng Tsina ang malakas na puwersang tagapagpasulong ng ekonomiya ng mundo.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio