Sarbey ng CGTN: Konsepto ng “Pinagbabahaginang kinabukasan” ng Tsina, tanggap ng komunidad ng daigdig

2023-01-04 18:07:25  CMG
Share with:

 

Ayon sa magkasanib na sarbey ng Think Tank ng China Global Television Network (CGTN) at Chinese Institute of Public Opinion ng Renmin University, Enero 4, 2023, 85% ng mga respondiyente sa buong daigdig ang sang-ayon sa konsepto ng “pagtatayo ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan” na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina noong 2013.

 

Kabilang dito, 84.2% ng mga batang respondiyente mula sa mga umuunlad na bansa at 79.5% ng mga batang respondiyente mula sa mga maunlad na bansa ang sang-ayon sa nabanggit na konsepto.

 

Ang naturang sarbey ay isinagawa sa 41 bansa na sumasaklaw ng 65.2% ng kabuuang populasyon ng mundo.

 

Ipinakikita ng konseptong iniharap ni Xi ang ideya ng pagtatatag ng isang bukas, inklusibo, malinis, at magandang daigdig, na may pangmatagalang kapayapaan, unibersal na seguridad at komong kasaganaan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio