Seguridad ng pagkaing-butil, isa sa mga pangunahing priyoridad ng Tsina

2023-01-04 17:49:37  CMG
Share with:

Noong 2022, hinarap natin ang malalang krisis sa pagkaing-butil.


Sa ilalim ng mga apektong dulot ng grabeng klima, pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), sagupaang panrehiyon at iba, dinanas ng maraming lugar sa daigdig ang kakulangan ng suplay sa pagkaing-butil.


Bilang isang responsableng bansa, habang maayos na iginagarantiya ng Tsina ang seguridad ng pagkaing-butil sa loob ng bansa, ibayo rin nitong pinapalalim ang pagbubukas at internasyonal na kooperasyon sa argrikultura.


Ibinibigay ng Tsina ang pagkaing-butil bilang tulong sa mga nangangailangang bansa’t rehiyon, at nagsasagawa ng teknikal na kooperasyong, upang mapataas ang kanilang kakayahang, at makapagbigay ng ambag sa pangangalaga sa seguridad ng pagkaing-butil sa buong daigdig.


Salin: Kulas

Pulido: Rhio

Video Editor: Kulas