Ngayong araw, Enero 5, 2023 ay Minor Cold, ika-23 sa 24 na solar term ng Tradisyunal na Kalendaryong Tsino o Nong Li.
Tulad ng pangalan nito, magsisimulang huhupa ang mapait na lamig simula sa araw na ito.
Magkagayunman, ang Minor Cold ay hindi nangangahulugang hindi na maginaw.
Batang kumakain ng bulak ng asukal, lunsod Hohhot, Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia
Sa dakong hilaga ng Tsina, makikita ang mga kaakit-akit na tanawin ng yelo’t niyebe.
Tanawin matapos umulan ng niyebe sa isang parke sa lunsod Zhengzhou, lalagiwang Henan
Tanawin ng ice cascade, lunsod Linyi, Lalawigang Shandong
Samantala, sa dakong timog ng bansa, ang mga hayop at halamang nakapagtiis sa basa at malamig na panahon ay muli nang nagkakaroon ng bitalidad.
Iskuwirel na ine-enjoy ang niyebe sa parke, lunsod Chongqing
Wintersweet na namumulaklak pa rin sa Taglamig, lalawigang Guizhou
Maliban diyan, dahil malawak ang lupang sakop ng Tsina, iba’t-iba rin ang mga aktibidad pang-agrikultura.
Taunang pangingisda sa Taglamig sa lawa ng Chagan, lunsod Songyuan, lalawigang Jilin
Magsasakang namimitas at nangunguha ng mga ugat ng lotus sa lawa, lunsod Yangzhou, lalawigang Jiangsu
Salin: Kulas
Pulido: Rhio