Gawain sa 2023, sinimulan ng mga taikonaut sa Istasyong Pangkalawakan ng Tsina

2023-01-05 17:15:17  CMG
Share with:

Kasabay ng pagsalubong ng mga mamamayan sa pagdating ng 2023, sinimulan din ng tatlong taikonaut ng Shenzhou-15 ang kanilang mga gawain sa Istasyong Pangkalawakan ng Tsina sa bagong taon.

 

Sa pamamagitan ng pagtutulungan, natapos nila ang mga pang-araw-araw na pagkukumpuni sa istasyong pangkalawakan.

 

Ang ehersiyo ay bahagi rin ng kanilang buhay sa orbita, upang mapanatili ang malusog na katawan para sa iba’t-ibang gawain.

 

Bukod pa riyan, binuksan nila ang "blind box" pambagong taong regalo ng mga mananaliksik sa lupa.

 

Ginawa rin nila ang isang online na diyalogo sa mga kapamilya sa lupa.

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio

Video Editor: Kulas