Segurong medikal ng Tsina, ini-aakma para bawasan ang gastos ng mga apektado ng COVID-19

2023-01-06 15:10:22  CMG
Share with:

 

Ini-aakma ng mga rehiyonal na awtoridad pangkalusugan ng Tsina ang mga polisiya sa segurong medikal para matugunan ang mga medikal na pangangailangan ng mga apektado ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Tinutukoy ng naturang mga pakataran ang halaga ng isasauling pera, na ginastos sa mga gamot at serbisyo ng pasyente, sila man ay outpatient, inpatient, o online.

 

Dahil dito, napagaan ang pinansyal na pasanin ng mga pasyente ng COVID-19.

 

Halimbawa sa lalawigang Anhui, ang medikal na bayarin ng mga outpatient ay nasa 3.69 milyong yuan Renminbi noong Martes, Enero 3, 2023, pero dahil sa bagong patakaran, 2.41 milyong yuan Renminbi ang babayaran ng segurong medikal.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio