Modernisasyon ng pulitikal at ligal na gawain, isulong - Pangulong Tsino

2023-01-09 16:14:57  CMG
Share with:

Sa kanyang pinakahuling talumpati, binigyan-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kahalagahan ng pananatiling desidido sa pagsusulong ng reporma, pagtuklas ng bagong paraan, at patuloy na pagsusulong sa matapang na diwa tungo sa modernisasyon ng mga gawain ng mga organong panghudikatura, pangprokuratoryal, at panseguridad pampubliko.

 


Sa kanyang pinakahuling atas, sinabi ni Xi, na ang gawaing politikal at ligal ay importanteng bahagi ng trabaho ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at buong estado.

 

Aniya pa, kailangang igiit ang pagpapanatili sa ganap na pamumuno ng CPC sa mga gawain ng hudikatura, prokuratura, at seguridad pampubliko, kasabay ng pagpapalakas sa kamalayang pampulitika at kapasidad sa politikal na paghatol, pag-iisip at implementasyon.

 

Nanawagan din ni Xi para sa ipagsasakatuparan ng pilosopiyang nakasentro sa mga mamamayan, at pagtahak sa sosyalistang tuntunin ng batas na may katangiang Tsino.

 

Sinabi pa niyang kailangang isakatuparan ng mga oraganong hudisyal, prokuratoryal at seguridad pampubliko ang kanilang tungkulin para igarantiya ang pulitikal na seguridad ng bansa, katatagang panlipunan, pagkakapantay-pantay at katurungan sa lipunan, at maligayang pamumuhay ng mga mamamayan.

 

Ang naturang mga atas ay ipinarating ni Chen Wenqing, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC at Puno ng Komisyon ng mga Suliraning Pulitikal at Ligal ng Komite Sentral ng CPC, sa sentral na komperensya hinggil sa gawaing hudisyal, prokuratoryal at seguridad pampubliko na idinaos sa Beijing, Enero 7 hanggang 8, 2023.

 

Nagpokus ang komperensya sa pangangalaga sa pambansang seguridad ng pulitika, paggarantiya sa katatagang panlipunan, pagpo-promote ng pagkakapantay-pantay at katarungang panlipunan, at modernisasyon ng mga gawain sa hudikatura, prokuratura, at seguridad pampubliko.

 

Samantala, sa ngalan ng Komite Sentral ng CPC, ipinaabot ni Xi ang maagang pagbati’t pasasalamat sa lahat ng kapulisan kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ng Kapulisan ng Tsina sa Enero 10, 2023.

 

Hinimok din niya ang buong kapulisan na magbigay ng bagong ambag sa paggarantiya sa pambansang seguridad at katatagan ng lipunan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio