Unang pangkat ng turistang Tsino, nasa Thailand

2023-01-10 16:29:26  CMG
Share with:

 

Enero 9, 2022, Paliparan ng Suvarnabhumi sa Bangkok – Kaugnay ng optimisasyon ng Tsina sa patakaran nito sa paglalakbay sa ibang bansa, magkakasamang idinaos ng Ministri ng Kalusugan, Ministri ng Turismo at Palakasan, at Ministri ng Transportasyon ng Thailand ang seremonya ng pagtanggap sa unang pangkat ng mga turistang Tsino na binubuo ng 269 katao.

 

Bago sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), ang Tsina ang pinagmumulan ng pinakamaraming bilang ng turista sa Thailand.

 

Noong 2018, lampas 10 milyon ang mga biyaherong Tsinong nagtungo sa bansa.

 

Samantala, umaasa ang panig Thai na muling sisigla ang pambansang kabuhayan nito sa pamamagitan ng pagbalik ng mga turistang Tsino.

 

Bukod sa Thailand, ipinahayag ng iba pang mga bansa sa daigdig na hinihintay nila ang pagbabalik ng mga turistang Tsino, at hindi nila isasagawa ang limitasyon sa pagpasok sa kanilang nasasakupan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio