Suplay ng pagkaing-butil sa pamilihang Tsino, sapat

2023-01-10 16:34:34  CMG
Share with:

 

Ayon sa pinakahuling datos ng National Food and Strategic Reserves Administration (NFSRA) ng Tsina, posibleng umabot ang kabuuang bolyum ng pagkaing-butil na binili ng iba’t-ibang bahay-kalakal ng Tsina sa 400 bilyong kilogramo.

 

Dahil dito, sapat ang suplay ng pagkaing-butil sa pamilihang Tsino, dagdag ng NFSRA.

 

Sinabi naman ni Qin Yuyun, Tagapagsalita ng NFSRA, na ayon sa datos, mas mataas ngayong naibebenta ng mga magsasaka ang kanilang mga inani.

 

Samantala, bilang ayuda sa mga magsasaka, pinagtibay ng pamahalaang Tsino ang pagsasagwa ng minimum purchase price ng pagkaing-butil sa lalawigang Jiangsu, Anhui, Henan, Hubei at Heilongjiang.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio