CMG Komentaryo: Parami nang paraming pondong dayuhan, nagtutungo sa Tsina

2023-01-10 16:58:02  CRI
Share with:

"Nananabik ang mga mamuhunan sa buong daigdig na magnegosyo sa Tsina."


Ito ang sinipi kamakailan ng Financial Times mula sa opinyon ng mga eksperto sa pamumuhunan.


Mula noong Agosto ng 2022, pumasok sa bagong yugto ang pagpigil at pagkontrol ng Tsina sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at ito'y nakakapagbigay ng malakas na kompiyansa sa mga dayuhang mamumuhunan.


Kaugnay nito, ipinahayag ng maraming dayuhang kompanya na sinimulan na nilang planuhin ang pagbiyahe sa Tsina ng kanilang matataas na opisyal upang pabilisin at muling simulan ang mga kaukulang proyekto at hanapin ang bagong pagkakataong pampamumuhunan.


Samantala, ibinalita Enero 9, 2023 ng Wall Street Journal na maglalakbay-suri ang mga negosyanteng Amerikano sa Tsina.


Ngunit nitong 3 taong nakalipas, palagiang sinisiraang-puri ng ilang pulitikong Amerikano ang pag-unlad ng kabuhayang Tsino.


Nang isagawa ng Tsina ang mahigpit na patakaran ng paglaban sa COVID-19, hiniling nila na "buksan ang pinto" ng Tsina, sa katuwiran ng pagbaba ng kompiyansa ng mga dayuhang mamumuhunan at mahirap na proseso ng pagnenegosyo; pero nang napapanahong i-optimisa ng Tsina ang nasabing mga hakbang alinsunod sa aktuwal na situwasyon, inihayag naman nilang ang pandemiya sa Tsina ay nagdadala ng panganib sa kanilang mga kompanya sa bansa.


Sa simpleng salita, kahit anong gawin ng Tsina, hindi magbabago ang tangka ng ilang pulitikong Amerikano na ilipat sa ibang bansa ang industrial at supply chain mula sa Tsina.


Ito ay nagpapakita ng kanilang malinaw na pagkiling laban sa Tsina at tangkang pagpigil sa pag-unlad ng Tsina.


Ngunit, nitong 3 taong nakalipas, hindi nangyari ang kanilang layunin.


Ayon sa datos, noong unang 11 buwan ng 2022, mas lumaki kaysa 2021 ang pondong dayuhang aktuwal na nagamit ng Tsina, at ito ay 9.9% na mas malaki kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.


Ipinakikita nitong may napakalakas na pang-akit ang merkadong Tsino sa dayuhang pondo.


Noong Enero 1, 2023, pormal na isinagawa ang Catalogue of Industries for Encouraging Foreign Investment (2022 Version).


Layon nitong magkaloob ng mas malaking espasyo at magdala ng mas malaking kita para sa mga dayuhang mamumuhunan sa Tsina.


Bukod dito, ayon sa pagtaya ng mga pandaigdigang organong ekonomiko, kasunod ng pagpasok sa bagong yugto ng paglaban ng Tsina sa COVID-19, unti-unting lumilitaw ang bunga ng iba't-ibang polisya ng bansa, at posibleng bumuti ang operasyon ng pambansang kabuhayan sa kasalukuyang taon.


Salin: Lito

Pulido: Rhio