Nalalapit na ang Pestibal ng Tagsibol o Chinese New Year, pinakamahalagang kapistahan ng sambayanang Tsino, kitang-kita at damang-dama ang saya’t sigla sa iba’t-ibang sulok ng bansa.
Tuwing sasapit ang gabi sa Nanqiang Street Night Market, lunsod Kunming, lalawigang Yunnan sa dakong timog ng Tsina, dumaragsa ang mga tao upang kumain ng masasarap na meryenda at mamasyal.
Sa gitna ng masayang atmospera, handang-handa na ang lahat sa pagdiriwang ng paparating na Pestibal ng Tagsibol.
Salin: Kulas
Pulido: Rhio/Jade