Mensaheng pambati, ipinadala ng Ministrong Panlabas ng Tsina sa bagong Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN

2023-01-11 14:35:04  CMG
Share with:

Isang mensaheng pambati ang ipinadala, Enero 9, 2023 ni Qin Gang, Ministrong Panlabas ng Tsina kay Kao Kim Hourn kaugnay ng kanyang panunungkulan bilang bagong Pangkalahatang Kalihim ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

 

Ani Qin, palagiang nagsisikap ang ASEAN upang pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng Timogsilangang Asya, at pinasusulong din nito ang pag-unlad ng kabuhayan, lipunan, kultura at kooperasyong panrehiyon.

 

Sapul nang maitatag ang relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN noong 1991, matibay na kinakatigan ng Tsina ang konstruksyon ng Komunidad ng ASEAN, at nukleong katayuan nito sa mga kooperasyong panrehiyon, dagdag niya.

 

Umaasa si Qin na magkakaroon siya ng mainam na relasyon kay Kao Kim Hourn tungo sa pag-unlad ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, pagtatayo ng mas matibay na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina’t ASEAN, at mapasulong ang kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng Timogsilangang Asya.

 

Tatatagal hanggang 2027 ang termino ni Kao Kim Hourn bilang Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio