Ipinahayag, Enero 10, 2023 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na matapos lagdaan kamakailan ng kanyang basa at Turkmenistan ang memorandum of understanding (MOU) sa Belt and Road Initiative (BRI), nilagdaan din ng Tsina at lahat ng bansa sa Gitnang Asya ang dokumento ng kooperasyon hinggil sa naturang inisyatiba.
Patuloy na lumalawak ang sirkulo ng mga kaanib sa BRI, aniya pa.
Nitong ilang taong nakalipas, matatag aniya ang progresong natamo ng BRI, at ito’y nagkakaloob ng bagong lakas para sa muling pagbangon ng ekonomiya ng mundo.
Kaugnay nito, sinabi ni Wang na mahigit 9 milyong biyahe ang naisakatuparan sa pamamagitan ng China-Laos railway; mahigit 1 milyong behikulo ang naglakbay sa Golden Port Expressway, unang highway ng Kambodya, sapul nang buksan ito sa publiko; at sinimulan ang subok-operasyon ng Jakarta-Bandung High-speed Railway, unang high-speed railway sa Timog-silangang Asya.
Noong 2022, nilagdaan ng Tsina at limang iba pang bansa ang bagong dokumento ng kooperasyon sa BRI, at kamakailan ay pinanibago ng Tsina’t Pilipinas ang MOU sa BRI, dagdag pa niya.
Saad ni Wang, ang taong 2023 ay ika-10 anibersaryo ng BRI, at ipagpapatuloy ng Tsina ang pagsunod sa prinsipyo ng ekstensibong konsultasyon, magkasamang kontribusyon’t pinagbabahaginang benepisyo, pagpupunyagi kasama ang lahat para sa komong pag-unlad, at pagsusumikap upang ang BRI ay maging bigkis na magbibigay ng benepisyo sa buong mundo.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio