Sa pakikipagtagpo, Martes, Enero 10, 2023 nina Qin Gang, Ministrong Panlabas ng Tsina at Demeke Mekonnen Hassen, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Ethiopia sa mga mamamahayag, sinabi ni Qin na may bagong pagkakataon ng pag-unlad at may malawak na kinabukasan ang relasyong Sino-Ethiopiano.
Kasama ng Ethiopia, nakahanda aniya ang Tsina na pasulungin ang pag-unlad ng tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang basna para makinabang ang kanilang mga mamamayan.
Aniya pa, ang Ethiopia ay malaking umuunlad na bansang may malakas na impluwensiya, at mahalagang partner ng Tsina sa Aprika.
Sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa noong nakaraang mahigit 50 taon, nananatiling matatag at matibay ang pagkakaibigan ng Tsina at Ethiopia, at nitong ilang taong nakalipas, naging mabunga ang aktuwal na kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t-ibang larangan, saad niya.
Kaugnay ng kanyang pagdalaw sa Ethiopia, sinabi ni Qin, na narating ng dalawang bansa ang mga komong palagay tulad ng una, pagpapatatag at pagpapalalim ng pagtitiwalaang pulitikal at pagkatig sa isa’t-isa sa mga isyung kaugnay sa nukleong kapakanan at iba pang usaping lubos na mahalaga sa dalawang panig; ikalawa, pagpapalawak ng aktuwal na kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at pagpapasulong ng komong pag-unlad; at ikatlo, pagpapalakas ng koordinasyon sa mga multilateral na usapin at magkasamang pagharap sa mga hamong pandaigdig.
Kakatigan din aniya ng Tsina ang pagganap ng Ethiopia ng mas malaking papel sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio