Mahigit 2.3 milyong 5G base station, naisa-operasyon sa Tsina

2023-01-12 15:03:46  CMG
Share with:

Inihayag, Enero 11, 2023 ng Ministri ng Industriya at Impormasyong Panteknolohiya ng Tsina, na mayroon na ngayong mahigit 2.3 milyon na tumatakbong 5G base station sa buong bansa.

 

Sinabi ni Jin Zhuanglong, Ministro ng nasabing kagawaran, na isasapubliko ngayong taon ang mga bagong hakbangin at patakaran para pabilisin ang konstruksyon ng information technology na gaya ng 5G base station, optical network, broadband sa purok-hanggahan, at pagdedebelop ng teknolohiya ng 6G.

 

Dagdag pa niya, pabubutihin din ng kanyang ministri ang mga patakaran sa pag-unlad ng pamilihan ng serbisyo ng telekomunikasyon, palalakasin ang kakayahan sa pangangalaga sa seguridad ng internet at datos, at pabibilisin ang pag-unlad ng industriya ng seguridad.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio