Sinabi kahapon, Enero 12, 2022, ng World Meteorological Organization (WMO) na dahil sa tumataas na lebel ng greenhouse gas at akumuladong init, ang nakalipas na 8 taon ay pinakamainit sa kasaysayan.
Ayon sa nakolektang data ng temperatura ng WMO, ang 2022 ay ikawalong magkakasunod na taon na ang temperatura ng buong mundo ay 1 degree Celsius na mas mataas kumpara sa pre-industrial levels.
Tinayang ng WMO na magpapatuloy ang pag-init ng mundo at pangmatagalang pagbabago ng klima, dahil sa rekord na lebel ng heat-trapping greenhouse gases sa atomospera.
Ayon sa report ng WMO's provisional State of the Global Climate in 2022, matinding tag-init, tagtuyot at mapangwasak na baha ay nakaapekto sa milyon-milyong mga tao at nagdulot ng bilyon-bilyon USD na kapinsalaan noong 2022.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil