Tsina sa Britanya: dapat itigil ang walang batayang panghihimasok sa mga suliranin ng Hong Kong

2023-01-13 12:39:15  CRI
Share with:

Ipinalabas muli kamakailan ng pamahalaang Britaniko ang umano’y “anim na buwang ulat tungkol sa Hong Kong” kung saan walang batayang sinisirang-puri ang demokrasya, kalayaan, karapatang pantao, at pangangasiwa alinsunod sa batas ng Hong Kong, walang galang na pinanghihimasukan ang suliranin ng Hong Kong at suliraning panloob ng Tsina, at malubhang nilalapastangan ang prinsipyo ng pandaigdigang batas at pundamental na norma ng pandaigdigang relasyon.


Bilang tugon, buong tinding kinondena ng tagapagsalita ng Tanggapan ng Komisyoner ng Ministring Panlabas ng Tsina sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).


Sinabi ng tagapagsalita, nitong 25 taong nakalipas mula nang bumalik ang Hong Kong sa inangbayan, komprehensibo at buong tatag na ipinatutupad ng pamahalaang Tsino ang polisiyang “isang bansa, dalawang sistema,” “pangangasiwa ng mga taga-Hong Kong sa Hong Kong,” at “tinatamasa ang mataas na antas ng awtonomiya ng Hong Kong”. Natamo ng mga ito ang tagumpay na kinikilala ng daigdig.


Ipinagdiinan ng tagapagsalita na makaraang bumalik sa inangbayan ang Hong Kong, walang anumang karapatan ang panig Britaniko sa Hong Kong.


Ang suliranin ng Hong Kong ay ganap na suliraning panloob ng Tsina, at ang umano’y “anim na buwang ulat tungol sa Hong Kong” ay isang basurang papel lang, diin niya.


Hinimok ng tagapagsalita ang panig Britaniko na ilagay ang sarili sa tamang posisyon, itigil ang dobleng pamantayan, sumunod sa prinsipyo ng pandaigdigang batas at pundamental na norma ng pandaigdigang relasyon, at iwawsan ang panghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina sa anumang katuwiran.


Salin: Lito

Pulido: Ramil