Ipinahayag Huwebes, Enero 12, 2023 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na umaasa ang kanyang bansa na mananatiling makatarungan at obdiyektibo ang pahayag ng World Health Organization (WHO) hinggil sa katugong hakbangin ng Tsnia sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Wang na mahigpit ang pag-uugnayan ng Tsina sa WHO hinggil dito. Ayon sa kanya, isinagawa ng Tsina at WHO ang limang pagpapalitang teknikal noong nagdaang Disyembre at isang pagpapalitang teknikal nagdaang Miyerkules.
Sinabi ni Wang na isinagawa na ng Tsina at WHO ang malalim na pagpapalitan hinggil sa mga may kinalamang isyu na gaya ng serbisyong medikal, kalagayan ng COVID-19, pagtiyak ng virus strains at pagbakuna.
Inulit ni Wang na napapanahon, bukas at maliwanag na ibinahagi ng Tsina ang mga may kinalamang impormasyon at datos, batay sa mga batas.
Dagdag pa niya, patuloy na isasagawa ng Tsina ang pakikipagpalitang teknikal at malalim na pakikipagkooperasyon sa WHO at komunidad ng daigdig para harapin ang hamon ng COVID-19 at pangalagaan ang kalusugan ng bawat tao.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil