Battery-powered locomotive na gawa ng Tsina, ipinalabas sa Thailand

2023-01-13 16:11:57  CMG
Share with:

A battery-powered locomotive manufactured by CRRC Dalian. /CRRC Dalian


Ipinalabas Enero 11, 2023, sa Bangkok, Thailand, ang unang battery-powered locomotive na ginawa ng China Railway Rolling Stock Corporation (CRRC) Dalian Co. Ltd. 


Tutulungan nito ang Thailand na pabutihin ang serbisyo ng tren, sabay-sabay pababain ang emisyon ng karbon.


Ang locomotive ay magkakasamang pinapaunlad ng CRRC Dalian at Energy Absolute Public Company Limited (EA) ng Thailand. 


Sinabi ni Amorn Sapthaweekul, pangalawang chief executive officer ng EA, na ang locomotive na gawa ng Tsina ay mayroong teknolohiya na nangunguna sa daigdig, natutugunan nito ang pangangailangan ng Thailand sa gastos ng pagpoprodyus, kahilingan ng pamahalaan ng Thailand sa konserbasyon ng enerhiya, pagbababa ng emisyon at iba pang larangan.


Samantala, ayon sa CRRC Dalian, pinoprodyus ang locomotive na ito batay sa orihinal na plataporma ng Thailand. 


Maaaring hatakin ng six-axle locomotive ang 2,500-tonne na tren ng kargamento sa bilis na 70 km bawat oras, o 1,000-tonne tren ng pasehero sa 100 km bawat oras.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil