Bilang ng high-value invention patent ng Tsina, tumaas noong 2022

2023-01-16 15:44:35  CMG
Share with:

Ipinahayag ngayong umaga, Enero 16, 2023 ng National Intellectual Property Administration ng Tsina (NIPA) na hanggang noong katapusan ng taong 2022, ang bilang ng high-value invention patent bawat 10 libo katao sa Chinese mainland ay nasa 9.4 – ito’y tumaas ng 1.9 kumpara sa taong 2021.

 

Samantala, ang bilang naman ng mga high-value invention patent na ari ng mga bahay-kalakal ng Tsina ay umabot sa 968 libo na tumaas ng 28.7% kumpara sa taong 2021.

 

Ang nasabing datos ay katumbas ng 73.1% ng kabuuang bolyum ng high-value invention patent ng Chinese mainland.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio