Ipinahayag ngayong araw, Enero 16, 2023 ng National Health Commission (NHC) ng Tsina, na nakipagkasundo ito sa World Health Organization (WHO) hinggil sa patuloy na pagpapalakas ng pagpapalitan at pagtutulungan sa teknolohiya ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) para magkasamang mapangalagaan ang seguridad ng kalusugang pandaigdig.
Inilahad ni Mi Feng, Tagapagsalita ng NHC, na nag-usap sa telepono, Enero 14, 2023 sina Ma Xiaowei, Direktor ng NHC, at Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-heneral ng WHO, para talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng pagpigil at pagkontrol sa COVID-19.
Hanga aniya ng WHO ang mga hakbang ng Tsina sa pagsasapubliko ng impormasyon hinggil sa pandemiya.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio