Ipinahayag ngayong araw, Enero 16, 2023 sa Macro Situation Annual Forum 2023 ni Xie Feng, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang mapayapang pakikipamuhayan ang sandigan ng relasyong Sino-Amerikano, at kailangang igiit ito ng dalawang bansa.
Ani Xie, may malawak na komong kapakanan ang Tsina at Amerika sa pangangalaga sa katatagan at kapayapaan, at pagpapasulong ng komong kaunlaran at kasaganaan ng daigdig.
Kaya, ang anuman aniyang sagupaan sa pagitan ng dalawang bansa na gaya ng cold war at digmaan ng kalakalan at teknolohiya ay makakapinsala, hindi lamang sa kapakanan ng dalawang bansa, kundi sa buong daigdig.
Saad ni Xie, kailangang kilalanin ng Tsina at Amerika ang kanilang mga pagkakaiba sa sistemang panlipunan at landas ng pag-unlad, at igalang ang ganitong mga pagkakaiba, sa halip na isagawa ang sapilitang pagbabago at pagpapabagsak ng sistemang panlipunan at landas ng pag-unlad ng bawat isa.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio