Sa ilalim ng temang “Cooperation in a Fragmented World,” binuksan, Enero 16, 2023 sa Davos, Switzerland ang taunang pulong ng World Economic Forum (WEF) 2023.
Tatalakayin dito ang mga isyung gaya paglutas sa krisis ng enerhiya, pagkaing-butil, at kahinaang panlipunan; at pagharap sa mataas na implasyon, mataas na pautang, resesyon ng industriya, at banta ng heopolitika.
Kalahok sa pulong ang mahigit 2,700 lider ng iba’t ibang sektor mula sa 130 bansa’t rehiyon ng buong daigdig.
Dumalo rito si Liu He, Pangalawang Premyer ng Tsina.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio