FDI ng Tsina noong 2022, lumaki ng 6.3%

2023-01-18 15:34:19  CMG
Share with:

 

Ayon sa datos na inilabas ngayong araw, Enero 18, 2023 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, lumampas sa 1.23 trilyong yuan Renminbi ang foreign direct investment (FDI) sa Chinese mainland noong 2022 – mas malaki ng 6.3% kumpara noong 2021.

 

Kabilang dito, umabot sa 323.7 bilyong yuan Renminbi ang FDI sa industriya ng manupaktura, na lumaki ng 46.1% kumpara noong 2021.

 

Maliban diyan, magkakahiwalay na lumaki ng 64.2%, 52.9% at 40.7% ang pamumuhunan ng Timog Korea, Alemanya at Britanya sa Tsina noong 2022 kumpara sa taong 2021.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio