Ipinahayag Enero 17, 2023 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na tatanggapin ng panig Tsino ang pagdalaw ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika sa Tsina.
Aniya pa, isinasagawa na ang mga kinakailangang ugnayan hinggil sa mga aktuwal na iskeduyal ng pagdalaw.
Sinabi ni Wang, na palagiang iginigiit ng Tsina ang prinsipyo ng paggagalangan sa isa’t-isa, mapayapang pakikipamuhayan at kooperasyon, at win-win na situwasyon, para mapangasiwaan ang relasyong Sino-Amerikano.
Umaasa si Wang na magkakaroon ng tamang ideya ang Amerika tungkol sa Tsina at igigiit ang diyalogo’t win-win na situwasyon, sa halip na pagsusulong ng komprontasyon at laro ng sero-sum.
Kailangan din aniyang komprehensibong maisakatuparan ang mahahalagang komong palagay na napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa, at pasulungin ang pagbalik ng relasyong Sino-Amerikano sa landas ng malusog at matatag na pag-unlad upang mabenepisyohan ang dalawang bansa at buong mundo.
Ayon sa pahayag ng media ng Amerika, dadalaw si Blinken sa Tsina sa darating na Pebrero 5 at makikipagtagpo kay Qin Gang, Ministrong Panlabas ng Tsina.
Salin: Ernest
Puido:Rhio